Wednesday, June 29, 2011

Mga Bugtong

1. Maikling landasin, di maubos lakarin.
 ANINO (SHADOW)
2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
sinturon (belt)
3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.
 sapatos (shoes)
4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore.
langgam (ant)
5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay.
kandila (candle)
6. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
7.Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: langka
8. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
9. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
10. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
11.Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
12.Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
13.Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
14.Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
15. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
16. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
17. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
18. Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
19. May bintana nguni’t walang bubungan,
may pinto nguni’t walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
20. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
21. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
22. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo
23. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata
24. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
25. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
26. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket
27. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: batya
28. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta
2.9 Buto’t balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola
30. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma
31. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: bote
32. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: sandok
33. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: kampana o batingaw
34. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.
Sagot: bayabas
35. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Sagot: balimbing
36. . Bugtong : Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
Sagot: Buwan